Panitikan ng Bansang France
Ang Republikang Pranses
Ang Republikang Pranses o Pransiya, ay isang bansa sa Europa na bahagi ng Unyong Europeo Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa. Ito ay isang demokratikong bansa. Ang kabisera nito ay Paris. Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay “Lupain ng mga Prangko”. Matagal nang naging pandaigdigang sentro ng sining, agham, at pilosopiya ang Pransiya.
Mayaman sa panitikan ang bansang France.Gaya ng iba pang bansa sa Mediterrenean.
Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o sa pangkalahatan,ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses,partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya ,kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa pransiya.Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses.May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses.Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika,Suwesya,Canada,Senegal,Alherya,Moroko,at iba pa.Ang panitikang ganito,na isinusulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono.Magmula noong 2006,ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa panitikan kaysa mga nobelista,mga makata,at mga tagapagsanaysay ng iba pang mga bansa.Pransiya mismo ang nangunguna sa talaan ng mga premyong Nobel sa panitikan ayon bansa.
PANITIKAN NG FRANCE
Pambansang awit: La Marseillaise
Uri ng pamahalaan:Demokrtikong Republika
Mamamayan: Frances o Prangko
Wika: Pranses
Relihiyon: Ang pangunahing relihiyon sa bansang ito ay Katoliko.80% ang tinatayang katoliko.Ang iba pang pangunahing relihiyon ay islam kadalasan mga dayuhan galing hilagang Africa,protestante at Judaism.
PANANAMIT
Kilala bilang matataas na uri ng fashion houses ang Paris,kilala ang mga taga France sa hindi matatawarang mariringal na pananamit.Sopistikado kung manamit ang iba sakanila,sunod sa uso at disente,ngunit sa dekorasyon ay hindi sobra.Mahahabang amerikana,terno,mga bandana at berets o bilog at malalambot na sobrero ang karaniwan nilang isinusuot.
Lutuin
•Pagkain at Alak - Sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan
•Tinapay - Mahaba,Crusty Baguettes
•Keso
•Malapot na sarsa at kumplikadong paghahanda.
HALIMBAWA NG NOBELA SA FRANCE:
-“Ang Kuba sa Notre Dame” ang nobelang isinulat ni Victor Hugo,ito ay isang halimbawa ng nobelang akda mula sa France(isang panitikang mediterrenean).Ang pamagat ay tumutukoy sa Katidral ng Notre Dame sa Paris kung saan ang kwento ay nakasentro.Ito ay isinalin sa Filipino ni Willita A. Enjiro.Ang nobelang ito ay naiiba mula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.Makikita mo bilang isang mambabasa ang magandang mukha ng France sakanilang panitikan mula sa akdang ito.Ito ay tungkol sa isang kubang nagngangalang Quasimodo-ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kyahangalan” dahil sa kanyang taglay na kapangitan.
KAUGALIAN NG MGA PRANSES:
-Bisous o Beso ang kanilang nakagawiang pagbati
-Huwag kumain hanggat hindi pa sinasabi ng may ari ng bahay sa pamamagitan ng pagsasabing ‘Bon appetite-good appetite’.
-Huwag ipatong sa lamesa ang kamay habang kumakain.
-Huwag iwan ang iyong plato hanggat hindi ubos ang iyong pagkain.
-Huwag ipatong ang kamay sa kandungan habang kumakain.
-Bulaklak at alak ang karaniwang inireregalo nila.
-Ang tinidor ay sa kanan at kutsilyo naman ang sa kaliwa.
-Mademoiselle o Monseur ang itawag sa mga kakilala.
PAGPAPAHALAGA NG MGA TAGA-FRANCE
-Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga France sa kanilang bansa at pamahalaan at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sakanilang bansa.Sa pag uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na walang galang.
"Chauvinism" ay isang ekspresyon mula sa France.
Bagaman marami pa rin ang naniniwalang ang France male dominated culture kahit na ang mga kababaihan ang gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo.
Comments
Post a Comment